| home | submit | archive | Themes |
Key: G
May mga tanong akong hindi masagot sagot
May mga naiisip na tila paikot ikot
Nagtataka kung bakit puro nalang salita
Na sa kilos ay bakit hindi makita - kita?
Hindi naman tayo ganito dati
Ikaw ang dahilan, kung bakit bigla bigla nalang napapangiti sa isang tabi
Ano bang dahilan mo?
Dahil hanggang ngayon ay hindi ko maanino.
Paalam na kung yan ang gusto mo
Paalam na kung yan ang magpapasaya sa’yo
Paalam na sa mga masasayang alaala
Paalam na hangad ko’y ikaw ay maging masaya
Paalam na, sana tandaan mong mahal na mahal pa rin kita.
Sa pamamaalam ko, sana’y wag mong isiping ayoko na
Mapatawad mo sana ako sa mga nagawa
Alam kong nasaktan kita ng sobra
Bumitaw lang ako kasi nakakapagod lumaban mag isa
Hangad ko ang iyong kaligayahan ngunit ikinalulungkot ko sa piling ko, nakikita ko, hindi mo ito nararamdaman.
Masaya ka sa piling ng iba, wala na akong magagawa kundi hayaan ka.
Isa lang sana ang aking hiling, ang lubusan mong mapatawad at lagi mong iisipin
Minahal kita ng sobra sobra, kaya nga siguro nasakal ka…
Hindi man ako makapaniwala… pero ito na…
Paalam na….


